Bilang parte ng kanilang corporate social responsibility, hinimok ni Senador Risa Hontiveros ang mga telecommunication company na tumulong sa pagbibigay ng insentibo sa mga magulang para pabakunahan ang kanilang mga anak.
Bukod aniya sa mga text reminder na ipinapadala ng mga telco hinggil sa pagbabakuna, sinabi ni Hontiveros na maaari silang maglaan ng libreng load sa mga magulang na maitataguyod ang kompletong bakuna ng kanilang anak.
Subok na aniya ang ganitong paraan sa gobyerno ng Australia kung saan nagbibigay sila ng financial incentive sa mga magulang na nakukumpleto ang vaccine program ng kanilang anak.
“Aside from text message reminders, maybe the telcos can provide incentives in the form of ‘libreng load’ for families whose children have completed their vaccinations. Libreng pasa load para sa bakuna,” ani Hontiveros.
Nasa 21,000 na ang naitalang measles cases ng Department of Health (DOH) sa buong bansa, 315 dito ang napaulat na nasawi. (Lorraine Gamo)