Makakatanggap ng libreng pandesal ang mga residente sa Iloilo City simula ngayong Lunes, Abril 6.
Tatlong kompanya ang nagsanib pwersa para makagawa ng pandesal upang walang magugutom sa Iloilo City habang nasa ilalim ito ng enhanced community quarantine,
Ayon kay Mayor Jerry Treñas, 43,000 pandesal ang iluluto at ipamimigay kada araw sa mga residente ng Iloilo City.
Napagalaman na nagboluntaryo ang Uygongco Flour Mill na magbigay ng harina habang isu-supply naman ng Carlos Uy Corporation ang iba pang kinakailangang sangkap sa pagluluto ng pandesal.
Ang Angelina Bakeshop naman ang magluluto ng mga pandesal at ang pamahalaang lokal na ang bahalang ipamigay ito sa mga Ilonggo.
Pinuri ni Treñas ang bayanihan ng tatlong nabanggit na kompanya sa kanilang lalawigan.
“They are doing this for the love of Iloilo City,” he added.
Magtatapos ang pamimigay ng libreng pandesal sa Abril 14 kung kalian nakatakdang matapos din ang enhanced community quarantine maliban kung palawigin pa ito. (Prince Golez)