Hanggang Oktubre 12, 2019 magsasagawa ng libreng operasyon sa mga bingot ang Alliance for Smiles sa Rizal Medical Center sa Pasig City.
Nagsimula ito nang Setyembre 29 bilang inisyatibo ng mga surgeon, doktor, nars, at ibang mga eksperto sa iba’t ibang parte ng mundo upang tulungan ang mahihirap na bansa.
Ayon sa alyansa, 1 sa 350 Pinoy na sanggol ay pinapanganak na may bingot, ngunit karamihan ay walang sapat na kakayahan para bayaran at ipaayos ito.
Bukod sa libreng paopera, plano ring magtayo ng Alliance for Smiles ng isang gusali na tutugon sa mga pangangailangan ng mga batang dumaan na ng surgery, ayon sa co-founder ng alyansa at miyembro ng Rotary Club na si Anita Sangl.
“Kadalasan, kailangan din ng bata ng speech therapy para lang maintindihan sila, at hindi sila matuksong ngo-ngo. Maging ang ipin, pandinig, at pag hinga ay naapektohan din ng bingot,” saad sa isang pahayag ni Alliance for Smiles Mission Director Mary Liu.
“Higit pa sa lahat, ang batang may bingot ay laging biktima ng matiniding pang-aapi, at kadalasan ay nangangailangan din ng psycho therapy,” giit pa niya.
Para sa mga interesado sa libreng operasyon, maaaring tumawag o mag-text kay Reggie Gervacio (0915-787-3837) o Chona Lim (0917-881-3428). Maaari ring magpadala ng liham sa regineocg@gmail.com o sa secretariatservice2509@gmail.com.
SDC