Dapat pang palakasin ng gobyerno ang pagpapatupad nito ng libreng internet sa mga pampublikong lugar partikular sa mga pampublikong pamantasan at kolehiyo alinsunod sa isinasaad ng Republic Act 10929.

Ito ang panawagan ngayon ni reelectionist Senator Sonny Angara sa pamahalaan bilang reaksyon sa patuloy na mababang internet services sa mga lugar kung saan kinakailangan ito.

Gayunman, isiniwalat ni Angara na sa kabuang 112 state universities and colleges (SUC) na sakop ng nasabing proyekto, 17 lamang sa mga ito ang may libreng wi-fi base sa datos na isinumite ng DICT sa budget hearing ng Senado noong 2018.

“Ang ibig sabihin, 15 porsyento lang pala ang natugunan sa kabuuang target. Kung lagi ta­yong ganito, malinaw na pinagkakaitan natin ng tulong ang ating mga mag-aaral sa SUCs na siyang higit na nanga­ngailangan sa progra­mang ito,” saad ni Angara, muling tumatakbo sa pagka-senador sa ilalim ng platapormang ‘Alagang Angara’.