Sa bawat bili ng shabu ng ilang mga kliyente ay libreng namomolesya ng mga ito ang 19-anyos na anak ng mag-asawang nagmimintine ng drug den sa Pasig City.

Ito ang sumbong ng isang buntis na ginang nang mahuli kasama ng kanyang mister ng mga ahente ng National Bureau of Investigation-Anti Illegal Drugs Division (NBI-AIDD), kamakalawa ng gabi sa Pineda St., Pasig City.

Ipinrisinta ni NBI Spokesman Ferdinand Lavin ang mga suspek na sina Marcos Castañeda Jr., 42 at misis nitong si Alma, 35.

Sinalakay ng NBI-AIDD ang bahay ng mag-asawa sa 494 kanto ng I. Lindayag, M. Diaz St., Pineda Pasig City, sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Reynaldo A. Alhambra ng Manila Regional Trial Court Branch 53.

Nabatid na may dalawang buwan na isinailalim sa surveillance ang mag-asawa at nang matiyak ang illegal na aktibidad, ikinasa na ang operasyon.

Sa pagharap sa media kahapon, inamin ng mag-asawa na limang taon na silang naninirahan sa lugar at matagal na nilang trabaho ang pagbebenta ng shabu at sa kanilang bahay ginagawa ng mga kostumer ang pagsinghot ng droga.

Sinabi rin ni Alma, sa kabila na siya ay buntis pinipilit siyang pagamitin ng shabu ng asawa bago mag-sex, pero pagkatapos namang gumamit ay hindi naman siya ang gagamitin ng suspek kundi ang kanyang kapatid.

Nalaman din sa NBI ang sinapit ng 19-anyos na anak ng mag-asawa sa kamay ng mga adik na kliyente nito. Dahil sa sumbong ng ginang, ilan sa la­laking kliyente nila ay minomolestiya ang kanilang nasabing anak pagkatapos na gumamit ang mga ito ng shabu.

Dahil dito kaya umano ilipat niya sa tirahan ng kanyang biyenan ang kawawang anak.

Mayroon din video na nakuha ang NBI na nagpapakita na sumisinghot ng shabu ang mag-asawa.

Ang dalawa ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o possession of illegal drugs, possession of equipment, instrument, apparatus at paraphernalia.

5 Responses

  1. O ayan CHR at mga magagaling kayo ang magsabi kung ano meron ang mga taong ganito.. manghihinayang ka bang patayin ang mga mala animal na asal ng ganitong magulang?

    Baka kung ako ang naka huli diyan ay baka nabalatan ko ng buhay yan at palakarin sa kalsada..