Bahagi ng magiging kapasyahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang payo o rekomendasyon ng economic managers nito kung aaprubahan o ibi-veto ang panukalang libreng matrikula para sa state universities and colleges (SUCs).
Sa press briefing sa Malacañang kahapon, sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Marie Banaag na pinupuntirya talaga ni Pangulong Duterte na mabigyan ng komportableng buhay ang mga Pinoy.
“The President would be asking from the economic managers if and when… how to go about with…you know, the President had always wanted na… to give a comfortable life… and it has always been reflected dun sa mga programa ng ating Pangulo… and of course, with this one, is of course sino bang may ayaw sana, ‘di ba?” ani Banaag.
Gayunpaman may mga bagay na kinakailangang ikunsidera, aniya, ang Pangulo bukod sa mga problemang kinakaharap ng bansa ay napakarami ring mga mahahalagang bagay na kinakailangang pagkagastusan ng gobyerno.
“But if and when may mga advice na mahihirapan ang ating pamahalaan to cope up with it, then that would…he would consider that. We’ve got lots of problem especially with the rehabilitation in Marawi and lot more problems,” ayon pa sa Palace official.