Sa taong 2022 pa mapapakinabangan ang libreng Wi-Fi sa mga pampublikong lugar.
Ayon kay Department of Information and Communications Technology (DICT), officer-in-charge Eliseo Rio, target nilang maglagay ng 250,000 Wi-Fi access points sa buong bansa.
“Maglalagay na ho nang maraming Wi-Fi zones, ang aming target by 2022, 250,000 na free Wi-Fi access points ang mailalagay na namin. Sa term ni Presidente, ganyan karami at yung next tuloy tuloy ho ‘yan ang paglaganap nitong mga free Wi-Fi zones,” ani Rio.
Siniguro ng DICT na bago matapos ang anim na taong termino ni Pangulong Duterte sa 2022 aniya, magsasagawa na umano sila ng ‘bidding process’ ngayong buwan para sa kanilang target na makapaglagay ng 6,000 hanggang 7,000 Wi-Fi access points sa bansa.
Tinukoy ni Rio ang mga lugar na binabalak nilang kabitan ng Wi-Fi accesspoint, gaya ng mga pampublikong paaralan, munisipyo, kapitolyo, ospital, state owned universities, colleges at marami pang iba.
Ang kanilang balakin ay alinsunod sa Republic Act Co. 10929, o mas kilalang Free Internet Access in Public Places Act.