Sa ilalim ng pagtitimon ni dating Pangulong Noynoy Aquino, umabot sa 1,549 kilometro ang ­kalsadang natapos na mula sa P60 bilyong pondo ng pamahalaan para sa Tourism Road Infrastructure na magpapabuti ng turismo sa bansa.

Hindi matatawaran ang dedikasyon ni dating Public Works Sec. Rogelio Singson, patunay ang 463 proyekto sa loob ng anim na taon ang ginawa­ na may kinalaman sa konstruksiyon, upgrading, rehabilitasyon at pagpapabuti ng mga kalsada at tulay.

Take note: kinuha ang pondo para sa mga proyekto­ mula sa Department of Tourism (DOT)-DPWH ­Convergence Program na nagkakahalaga ng P47.58 bilyon habang nanggaling naman ang P12.91 bilyon­ sa DPWH infra program para sa mga kalsada na ­kailangan sa turismo.

Isinama rin ni PNoy ang P24 bilyon para­ ­makumpleto ang 1,200 kilometrong kalsada na kritikal sa pagsulong ng turismo sa ilalim ng P3.002 trillion General Appropriations Bill (GAB) ­ngayong taon.

Kabilang sa pangunahing mga kalsada na natapo­s at isinasagawa para sa turismo ang anim na kilometrong­ lane tunnel road na kilala rin sa tawag na Ternate-Nasugbu Road na magdudugtong sa mga bayan ng Ternate, Cavite at Nasugbu, Batangas; 5.6 kilometrong access road patungong Puerto Princesa City Underground River patungo sa mangrove forest, white sand beach;

Sabang zipline at Ugong rock mountain sa Palawan;­ 44.6 kilometerong Taytay-El Nido Road, Palawan; 11 kilometrong Ambangeg Junction ­National Road patungong Mount Pulag na kilala sa kamangha-manghang sunrise at sunset sa Benguet;­ 24 kilometrong access roads patungong Donsol, ­Sorsogon para sa kilalang whale shark viewing o Butanding;

Ang 41 kilometrong Panglao Island Circumferential­ Road patungo sa beach resorts at dive spots; at 31 ­kilometrong Island Garden City ng Samal Circumferential­ Road para sa access road patungong Pearl Farm Beach Resort at Samal Botanical Garden sa Samal Island, Davao del Norte.

Sa Northern Luzon, natapos ng DPWH Region 1 ang apat na kilometrong konstruksiyon at pagpapabuti ng Junction Ilocos Norte-Abra Road na magsisilbing daanan patungo sa ecotourism spots ng mabundok na munisipalidad ng Nueva Era, Ilocos Norte.

Ang Tubeg Viewdeck, Imelda Park, Hercules Mines Access ito’y nagawa ng nakaraang administrasyon na patungong Mt. Sicapo Camp Site sa eco­tourism spots sa Nueva Era na naidugtong dahil sa P91 milyong halaga ng proyektong kalsada.

Sa madaling salita, tinutukan ni PNoy ang programa­ sa kalsada para lalong maging mabilis ang pagbiyahe ng mga turista at ngayo’y napapaki­nabangan ng publiko — ‘yun nga lang iba na ang bida­ sa mga kuwento ngayon. Laging tandaan: ­“Bata mo ‘ko at Ako ang Spy n’yo”.

(Twitter: ­follow@dspyrey)