HAVEY: Pagkabalik ko from my book shopping spree, natuwa ako at merong mga bagong celebrity books na hindi lang basta vanity projects pero talagang binigyan ng pag-iisip at effort.
Una na rito ang libro ng Alden Richards entitled “Alden Richards: In My Own Words” ng Summit Publishing.
While I was in the States, uso ‘yung ganitong libro ng popular celebrity with great body of works.
Nagulat ako na halos same title pa as the book I got na “Joni Mitchell, In Her Own Words” na conversation type with the author.
Habang ang book ng singer-composer na si Joni ay nag-focus sa kuwento ng buhay niya based on her compositions at ang pinanggagalingan ng mga “hugot” niya, si Alden ay klarong pang-fans ang target ng libro.
From the font to the pictures at yung mga revelations, trivia type lahat.
Defined talaga na fan-based ang audience niya. This is no different from the James and Nadine book na “Team Real” except na mas may sophistication at mas mukhang may gloss at mahal ang libro ni Alden.
Mukhang mas siksik at may laman naman ang libro ng JaDine.
Interesting point ay ang journey ni Alden sa Starstruck at kailangang makisakay siya sa truck ng basura on his way back to Cavite dahil na-Ondoy sila.
Marami pang ibang trivia na ok sana. Kaya lang, parang answer lang talaga sa slumbook questions na gusto mo pang mag-follow up question para magka-insight.
For all it’s worth, satisfied ang fans dito at sana mas maging solid pa ang fan-base ni Alden after this book.
Well, speaking of satisfying the appetite, literally and figuratively mas may laman ang libro ni Ate Regine Velasquez-Alcasid na Bongga Sa Kusina ng Summit Publishing din.
The book showcases her recipes sa kanyang show na Sarap Diva.
Kasama rin dito ang mga recipe ng kanyang mga kaibigang artista na nakakatuwa rin including those of Martin Nievera, Mikee Cojuangco-Jaworski and Donna Cruz plus Marian Rivera, Heart Evangelista, Carla Abellana and a lot of Kapuso talents.
To Regine, kung totoo ang sabi mo na cooking is like singing at hahanap lang ng tamang nota para sumwak sa panlasa, you truly did well sa collection ng recipes sa libro mo.
***
WALEY: Sabi ni Vice Ganda mismo sa kanyang show, waley raw matutunan sa libro niya, hindi pang-intelektwal pero puno ng saya at makakatanggal ng lungkot na siya talagang na-achieve ng libro niyang President Vice, Ang Bagong PANGGULO Ng Pilipinas.
Bawa’t pahina ng libro ay may trademark Vice at tonong-tonong Vice.
Mula sa pagpili niya ng mga cabinet members, pati mga batas trapiko, batas magjowa, batas sa social media, proper social climbing at pagmamaganda, batas para sa barkada at pamilya.
Gamit na gamit at masasabi nating Star din ng libro ni Vice sina Negi at si Chokoleit.
Sila ang paboritong punchline nito lalo na ang kanilang nakakatawang poses na bagay sa mga punchline na nakatoka sa kanila.
Nagtapos ang libro sa SONA ni Vice na riot talaga.
Sa launching nito a weekend ago, na-preempt ni Vice ang saya ng SONA ni President Digong.
After this book, I’m sure Vice will have other publishing projects. Bitin pa kasi ito.
Vice Ganda can give more than just being a Panggulo. Promise!
***
For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me @iamnoelferrer.