Nagwakas ang buhay ng umano’y notoryus na lider ng isang gun for hire group makaraang makipagbarilan ito sa mga pulis sa Barangay Concepcion Palasan, Sariaya, Quezon kamakalawa.
Kinilala ang nasawi na si Ruel Atienza, lider umano ng Banahaw gun for hire group, na kumikilos sa Quezon at sa lalawigan ng Batangas.
Si Atienza rin ang itinuturong responsable sa pagpatay sa pulis na si SPO2 Federico de Guia Jr., noong taong 2009.
Sa report ng Sariaya Police, hahainan sana ng search warrant ang suspek dahil kabilang din ito sa high value target ng Philippine National Police (PNP) sa iligal na droga subalit nanlaban ito.
Nagresulta ito sa agarang pagkamatay ng suspek kung saan narekober ang isang kalibre. 45 baril at limang sachet ng shabu.