Napatay ng Quezon City Police District (QCPD) ang kilabot na lider ng Panes Drug Group sa isang buy bust operation sa Fairview, Quezon City noong Huwebes.
Kinilala ni QCPD Director, Police Chief Superintendent Guillermo Lorenzo T Eleazar ang nasawing suspek na si alias “Marvin Panes”, 27, residente ng Lucas Quadra St., Sangandaan, Quezon City.
Naaresto rin Fairview Police Station (PS-5) ang live-in partner ni Panes na si Catherine Young, 27, residente ng Lucas Quadra St., Sangandaan, Quezon City, at dalawa pang miyembro ng grupo.
Si Panes ay isang high value target at kasama sa drugs watch list ng PS-5 na sangkot din sa pagnanakaw ng mga motorsiklo sa Fairview area. Sumuko rin ito sa Oplan Tokhang noong July 20, 2016 at March 10, 2017.
Narekober ng mga pulis mula sa mga suspek ay isang kalibre .45 baril at tatlong bala, tatlong sachet ng shabu at buy-bust money.