Sa bisa ng search warrant naaresto ng mga awtoridad ang umano’y lider ng isang private armed group, Biyernes nang mada­ling-araw sa bayan ng Odin, Sinsuat sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakuhanan ng tig-isang 9mm, kalibre .45 at M16 rifle ang suspek na nakilalang si Datu Ibrahim Sema Sinsuat Jr., lider umano ng grupo na nag-o-operate sa nabatid na bayan.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:30 nang madaling-araw nang lusubin ng pulisya ang bahay ng suspek sa Brgy. Upper Capiton.

Ayon kay PLtCol. James Gulmatico, ang pagdakip sa suspek ay bunsod sa pinaigting na kampanya kontra loose firearms bilang preparasyon sa nalalapit na midterm election sa Mayo 13. (Edwin Balasa)