Lider ng Termite Gang niratrat sa Batangas

gun

Patay ang isang construction worker na umano ay pinuno ng grupong Termite Gang na nanloob sa isang pawnshop sa Batangas City, matapos na ito ay pagbabarilin ng mga hindi nakilalang suspek sa loob ng pampasaherong jeep kamakalawa.

Kinilala ni Supt. Wildemar Tiu, hepe ng Batangas City police, ang biktima na si Manuel Banay, tubong Galimuyod, Ilocos Sur, at taga-Brgy. Lipacan, Lipa City.

Sa imbestigasyon ng Batangas City police, ika-3:20 ng hapon, sakay si Banay ng jeep kasama ang kanyang mga kaanak nang pagsapit sa Evangelista St., Brgy. Lipacan ay pagbabarilin ng mga suspek na riding-in-tandem.

Dead-on-the-spot ito habang mabilis na tumakas ang mga suspek.

Sa record ng pulisya, pansamantalang nakalalaya si Banay matapos itong magpiyansa nang maaresto sa kasong robbery.

Ang grupo ni Banay na pawang mga construction worker mula sa Ilocos ang itinuturong nanloob sa Golden Sun Emporium Pawnshop kung saan ayon sa may-ari ay natangay ang nasa P11 milyong halaga ng cash at mga alahas.