Life sa pusher, 14 years sa user

Hinatulan ng Mababang Korte ng habambuhay na pagkakabilanggo ang isang drug pusher, habang 14 na taon naman ang inihatol sa parokyano nito sa isinagawang promulgation sa Valenzuela City Justice Hall.

Sa 17-pahinang desisyon ni Judge Maria Nena Santos, Presiding Judge ng Valenzuela Regional Trial Court (RTC), life imprisonment ang inihatol kay Eduardo Busa dahil sa kasong Violation of Sec. 5. Art. 11. R.A. 9165, samantalang hinatulan naman ang kanyang buyer na si James Patrick Mingarene ng 12 hanggang 14 na taonG pagkakabilanggo sa paglabag nito sa Sec. 11 Art. 11. R.A. 9165.

Pinagbabayad din ng Korte si Busa ng halagang P500,000 at P300,000 naman kay Mingarene.

Noong September 8, 2014, naaresto nina SPO1 Roberto Santillan at PO1 Reynaldo Valdez, mga tauhan ng Station Anti-Illegal Drugs, si Busa na aktong nagbebenta ng shabu kay Mingarere sa Mac Arthur Highway, Barangay Karuhatan, bandang ala-1:00 ng hapon.

Sinabi ni SPO1 Santillan, nag-ugat ang pagkakadakip sa dalawang suspek dahil sa tawag sa telepono ng mga concerned citizen. Nakuha kay Busa ang isang plastic sachet na may lamang shabu.