Life sentence kay Sanchez mas okay sa death penalty – Mrs. Clara Sarmenta

Mas gugustuhin pa ni Maria Clara Sarmenta, ina ng napatay ng Univrsity of the Philippines (UP) Los Baños student Eileen Sarmenta, na mabulok na lang sa kulungan si convicted rapist-murder Antonio Sanchez kaysa hatulan ng kamatayan.

Ginawa ni Mrs. Sarmenta ang pahayag sa pagdinig kahapon sa Senado bilang papagpapakita ng kanyang pagkabahala at pagkadismaya sa naunang ulat hinggil sa napipintong paglaya ni Sanchez sa New Bilibid Prison (NBP).

“Mas gusto ko pa na makita na nag-suffer siya. Hindi naman ako sadista but then parang mas magaan sa loob na ‘yung kanyang hatol ay pang-habang-buhay,” mangiyak-ngiyak na pahayag ni Mrs. Sarmenta.

Bago ito, tinanong ni Senador Francis Tolentino si Mrs. Sarmenta kung pabor itong sa muling pagbuhay sa death penalty na ngayon nakabinbin sa Kongreso.

“Opo, at the spur of the moment I said I agreed to restore the death penalty. But then when I thought it over, being a Christian, I would rather have the life sentence because in the death penalty, isang injection lang, tapos na,” sagot ni Mrs. Sarmento kay Tolentino.

“But in life sentence, the prisoner would be given the chance to be reformed,” dagdag pa nito.

Samantala, sinabi naman ni Iluminado Gomez, ina ni Allan Gomez, na natatakot sila ngayong napabalitang makakalabas na Bilibid si Sanchez.

“It’s just as painful as before and even more fearfull this time… yes there is fear again,” pahayag ni Mrs. Gomez sa tanong ni Senador Richard Gordon, chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, kahapon.

“May kamandag pa ang mga ‘yan, puwedeng habulin ang mga state witness, puwede kayong i-harass especially na hindi pa siya nag-sorry, walang remorse sa inyo,” tanong ni Gordon.

“Nanghingi ba siya ng tawad sa inyo?” tanong ni Gordon kay Mrs. Gomez na sinagot naman ng huli nang, “None at all.” (Dindo Matining)