Mga laro sa Martes:
(Muntinlupa Sports Center)
4:15pm — Petron vs Marinerang Pilipina
7:00pm — Cignal vs PLDT
Kinapitan ng Generika-Ayala Lifesavers sa endgame si Fiola Ceballos upang itakas ang mahirap na 26-24, 19-25, 26-24, 18-25, 16-14 panalo kontra Cignal HD Spikers sa Philippine Superliga All-Filipino Conference kagabi sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Nakatuwang ni Ceballos si Patty Orendain sa set 5 upang makuha ang pang-walong panalo sa 13 laro at masolo ang third spot ng team standings.
Nasagad sa set five ang laban nang biglang uminit ang opensa ng HD Spikers sa pangunguna nina skipper Rachel Ann Daquis at Ranya Musa.
Nagtala si Ceballos ng 25 attacks, tatlong blocks at dalawang service aces.
Dikitan ang naging labanan sa deciding fifth set subalit naging matatag ang Lifesavers upang makuha ang importanteng panalo.
Kinabahan pa nang bahagya ang Generika-Ayala matapos malusaw ang tatlong match point nilang bentahe, pero nang magtabla ang iskor sa 14 ay umiskor ng dalawang sunod na puntos ang Generika-Ayala.
Nalasap ng HD Spikers ang pang-anim na talo sa 12 laro. (Elech Dawa)