Magugulantang sina Pangulong Rodrigo Duterte at Department of Environment and Natural Resour­ces (DENR) Secretary Gina Lopez kapag isinailalim sa seryosong lifestyle check ang mga dati at kasaluku­yang opisyales ng DENR, Mines and Geosciences Bureau (MGB) and Environmental Management Board (EMB).

Ito ang pahayag ni Surigao del Norte Rep. Robert ‘Ace’ Barbers kaya hiniling nito na magsagawa ng imbestigasyon bilang bahagi kanilang kampanya laban sa ilegal mining activities sa bansa.

“Mr. President, Madame Secretary, I urge you to conduct a no-nonsense lifestyle check on the past and current officials of these 3 agencies, especially those based in the so-called mi­ning provinces. You might just get the shock of your lives,” ani Barbers.

Sinabi ng mambabatas na totoong tiba-tiba ang mga mining companies at mga pulitiko sa industriyang ito subalit mayroon din aniyang mga kumikita sa mga nabanggit na ahensya kasama na ang mga Local Government Units (LGUs) sa lugar ng pagmimina.

“Clearly, irresponsible mining practices could not have thrived without the blind consent of these people and the Local Government executives who are tasked to implement the laws,” ayon pa sa mambabatas.

Kasabay nito, kailangan aniyang tingnan ang situwasyon ng mga minero sa lahat ng mga minahan dahil habang lumalangoy sa bilyones ang mga may-ari at mga corrupt officials, at mga pulitiko ay kakarampot na sahod lang ang natatangap ng mga minero.

One Response

  1. sa atin kasi .. binubulabog muna Yung mga ibon.. bago hulihin !! pupuwede namang itikom muna bibig at saka na lang ibroadcast sa News paper kung ano man Yung plano na katulad nyan..