May 132 athletes ang nagpasiklaban sa pagbuhat sa katatapos na 2016 Philippine National Raw Bench Press Championships sa Robinsons sa Imus City.
Nangibabaw sa developmental category ang Cyber Muscle ng mag-uutol na Joanna, Jasmin, Lope at Jessa Mae Tabuan. Si Jessa Mae ang Best Powerlifter via gold medal sa 39-kg. weight class sa una pa lang niyang salang sa nabuhat na 45kg para burahin ang national record ni Renalyn Claros ng Leyte Sports Academy.
Sinundan ni Jessa Mae ng mas mabigat pang buhat sa third and final attempt na 47.5kg para mag-qualify sa 2017 Asian Bench Press Championships sa Pilipinas.
Qualified din ang teammate niyang si 2016 World Classic Powerlifting Championships deadlift world record holder at 43-kg. sub-junior girl’s gold winner Joan Masangkay matapos makahagip ng dalawang gold para mag-Best Lifter sa high school at sub-jr. division.
Overall champion ang New Era University sa high school at college levels at ang Zest Power Gym sa Open.