Lighthouse

Sunday Trivia

Ang Pasig River Light ang unang light station o parola na itinayo sa Pilipinas noong 1642. Nasa bukana ito ng ilog sa bahagi ng San Nicolas, Binondo.

***

Ang Cabra Island ay matatagpuan sa Lubang, Occidental Mindoro. Ang pamayanan ng Cabra ay itinatag ng mga Kastila noong 1885. Mayroon ditong lighthouse na binuksan noong 1889.

***

May lighthouse din sa Basco, Batanes. Matatagpuan ito sa Naidi Hill sa Barangay San Antonio.

Bukod sa lighthouse sa Basco ay mayroon din nito sa mga bayan ng Sabtang at Mahatao.

***

Ang Burgos Lighthouse na kilala rin sa tawag na Cape Bojeador Lighthouse ay matatagpuan sa Burgos, Ilocos Norte. Ipinatayo ito ng mga Kastila sa Vigia de Nagpartian Hill kung saan matatanaw ang Cape Bojeador.

***

Ang Capul Island Lighthouse ay matatagpuan sa Titoog Point. Ang Capul Island ay matatagpuan sa Northern Samar. Sinimulang ipatayo ito noong 1893 at natapos gawin noong 1896.

***

Sa Northern Samar din, partikular sa bayan ng Laoang, matatagpuan ang Batag Island Lighthouse. Tinatanglawan nito ang mga international ships pagpasok sa San Bernardo Strait.

***

Ang Capul Island Lighthouse at Batag Island Lighthouse ay idineklarang provincial historical landmarks ng lalawigan ng Northern Samar noong 2008.

***

Itinayo naman sa Bajo Apo Island na matatagpuan sa Apo Reef Natural Park ang Apo Reef Light. Ang parke ay matatagpuan sa gitna ng Min­doro Strait. Ang orihinal na tower nito ang pinaka­mataas na itinayo sa Pilipinas. May 118 talampa­kan ang taas nito.