IPAGPAPATULOY ni Lola Goreng (Gloria Romero) ang kwento niya tungkol kay Gracia, ang Taong Grasa (Marian Rivera) sa Daig Kayo ng Lola Ko ngayong Linggo sa GMA 7.

Iniligaw ni Lucia (Ana Feleo) si Gracia, na nagpalabuy-laboy hanggang maging Taong Grasa.

Happy si Lucia dahil wala na ang pabigat na kapatid.

Paano pa niya ito matututunang pahala­gahan?

At paano na si Gracia?

Magiging palaboy na ba siya habambuhay?

Ganito rin kaya ang magiging kapalaran ni Moira (Chlaui Malayao) dahil ayaw siyang tanggapin ni Elvis (David Remo)?

Abangan ang aral na mapupulot sa kuwento ni Lola Goreng.

Abangan din ang madidiskubre ni Moira tungkol sa lihim ni Lola!