DA HUUU si young actor na feel na feel nang lumipat sa isang sikat na talent agency?!

Ayon sa aking source na NA-ANO at NA-KUWAN, anytime ay pipirma na ito ng panghabang buhay (for life talaga!!!) na kontrata sa bagong mag-aalaga ng kanyang career.

Matagal niya itong pinag-isipan dahil feeling niya, napapabayaan na siya ng kanyang talent management.

Tili ng dati niyang manager na kakaiba ang karisma, walang utang na loob si young actor.

Inalagaan si young actor kahit banung-bano siyang umarte. Marami itong teleserye, pelikula at shows sa Pilipinas at sa iba’t ibang bansa.

Nakilala siya nang husto kahit na mukha siyang CONSTRU noong unang panahon.

Pina-overhaul siya from head to toe.

Pero bakit ngayon, magbababooo na siya sa dati niyang pugad?

Ayaw ng angry birds ng ganyan!

Marami na ang nakakakita na madalas itong nakikipagtagpo si young actor sa may-ari ng sikat na talent agency.

This month na ba magaganap ang paglipad ng ibon?

Sino ang kakanta ng, “Ibon mang may layang lumipad…?” Abangan!!!