Kontrobersiyal ang 117-114 win ng Utah laban sa Portland na tumapos sa five-game skid ng Jazz Biyernes ng gabi sa Salt Lake City.
Isang play na tumuldok sa 19-point comeback ng Jazz, pero play na dapat ay hindi rin counted.
Ibinaon ni Donovan Mitchell ang go-ahead layup ng Utah 19.5 seconds na lang. Sumagasa rin ng panabla sanang layup si Damian Lillard sa kabila, pero binutata ni Rudy Gobert ang tira 11.2 ticks pa.
Goaltending sana si Gobert dahil sa glass niya inabot ang bola, pero hindi pumito ang referee crew.
“We get to the last play of the game and they miss a easy call,” singhal ni Lillard. “Then they tell us it’s a easy no call, like that’s obviously not a goaltend. It cost us the (….) game, man.”
Pagkatapos ng laro, kinumpirma ni referee Josh Tiven na kita nga sa video review ang goaltending violation ni Gobert, at dapat ay tinawagan. Pero hindi raw reviewable ang play dahil hindi tinawag ng crew sa floor.
“It cost us the game. We can’t get it back,” segunda ni CJ McCollum. “When we make mistakes, we’re fired. And they cost us a game that could cost people money, so, they should be fined accordingly, because that’s terrible. Not just bad, terrible.”
Pinangunahan ng 27 points ni Bojan Bogdanovic ang Jazz. Nagdagdag si Mike Conley ng 18 points, may tig-16 sina Mitchell at Gobert na nagbaba pa ng 14 rebounds.
Tumapos si Lillard ng 42 points sa Blazers, 27 kay McCollum. (VE)
Mainit na ang laro sa second quarter nang mapituhan ng anim na technical fouls ang magkabila. Ejected si Trevor Ariza sa dalawang technical sa pakikipagsagutan sa mga referee 10:05 sa period. Bago natapos ang quarter, na-techincal din sina Carmelo Anthony, Royce O’Neale, Mitchell at Gary Trent. (VE)