Lim bilang MMDA chair pirmado na

Danilo Lim

Pirmado na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang appointment ni dating Army General Danilo Lim bilang bagong Chairman ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kahapon.

Ang appointment ni Lim ay pinirmahan ni Pa­ngulong Duterte kahapon, Mayo 22 bago ito lumipad para sa apat na araw na official visit sa Australia.

“Pursuant to the provisions of existing laws, you are hereby appointed Chairman, Metropolitan Manila Development Authority (MMDA),” nakasaad pa sa pinirmahang appointment ni Lim.

Papalitan ni Lim ang naunang itinalang officer-in-charge (OIC) ng MMDA na si Thomas Orbos na inilipat naman bilang General Manager ng MMDA.