Malinis pa rin ang karta ng Ateneo matapos ang pamamayagpag nila nakaraang Sabado sa Small Basketeers Philippines habang ginalusan ng A­damson ang San Beda College-Rizal sa Passe­relle Division ng Best Center’s twin tournaments para sa mga bata sa Xavier School gym.

Kinaldag ng Ateneo ang San Sebastian College (2-3), 64-34 pagkatapos ay nakalusot sa Xavier A (4-1), 48-42, para ilista ang pang-limang sunod na panalo sa se­ven-team Group B ng SBP tournament na binak-apan ng Milo at suportado ng Chris Sports.

Pinagpag naman ng Lourdes School (3-2) ang St. Mary’s School (0-6), 62-18 habang tinalo ng Marist (3-2) ang SSC-R (2-3), 66-40.

Sa Group A, sinikwat ng Claret (1-4) ang first win matapos paluhurin ang Notre Dame (0-5), 45-31, habang pinayuko ng La Salle-Zobel (3-2) ang Xavier-B (2-3), 51-23.

Nagpasiklab din ang Adamson, kinalawit nila ang fourth straight win ng talupan nila ang SBC-Rizal (4-1) para manguna sa Group B ng Passerelle.

Kinurot ng La Sa­lle Greenhills-B (2-3) ang Notre Dame (1-5), 54-48, kinalos naman ng Nazareth School of National university (4-1) ang SSC-R (1-3), 75-57.