Limang tip sa pagpili ng pet

Kamusta mga PETMALU,

Malaking commitment ang pag-alaga ng isang pet! May kasamang sakripisyo, tiyaga at gastos ang pagiging isang Fur Parent. Bago mag-adopt ng isang pet, itanong niyo muna ang sarili ninyo: May oras ba ako para bigyan siya ng attensyon? Pagsasawaan ko ba siya sa huli? May panggastos ba ako kapag siya’y nagkasakit?

Mga iba pang dapat isipin at gawin bago mag-adopt ng pet:

1) PILIIN ANG PET NA BAGAY SA INYONG LIFESTYLE . Huwag bumili ng malaking aso kung hindi kayo active. Kailangan ng exercise ang mga large dogs tulad ng Husky at German Shepherd. Baka mas angkop sa inyo ang small breed tulad ng Toy Poodle, Shitzu o Chihuahua. Isipin po ninyo ng mabuti ito. Kung busy naman kayo sa trabaho at hindi ninyo mabibigyan ng sapat na atensyon ang isang pet, maari niyong i-consider ang pusa. Hindi nila kailangan ng maraming atensyon at madali silang i-toilet train.

2) PUMILI NG VET. “Bago kumuha ng pet, pumili ng vet.” Bumisita sa mga vet clinic sa lugar ninyo at tignan ang kalinisan ng clinic, ang mga polisiya nila, ang presyo ng mga serbisyo at kung maayos makipagusap ang mga veterinary doctors at tauhan nila.

3) SIGURADUHIN NA SAPAT ANG LAWAK NG INYONG TAHANAN. Huwag na po kayong kumuha ng aso o pusa kung ikukulong niyo lang magdamag. Kailangan nila ng freedom. Imbis na ikulong sila, maglagay ng baby gate sa pintuan o itali sila sa mahabang leash. Kung gusto niyo talagang magkaroon ng pet pero maliit lang ang tirahan ninyo, maari niyong i-consider ang Hamster o Turtle. Pero siguraduhin ninyo na makakabili kayo ng tamang habitat o tirahan para sa kanila.

4) MAG-RESEARCH MUNA. Iba’t iba ang katangian ng mga breed ng aso at pusa at ng mga ibang hayop tulad ng rabbit, hamster, turtle, atbp. Mag-research muna sa internet bago kumuha ng pet! May kakilala ako na bumili ng Dalmatian dog pero hindi niya akalain na ang breed na iyon ay high-energy pala. Ikinulong nalang niya ang kawawang aso sa labas ng bahay.

5) KILALANIN ANG PET. Noong nagdesisyon ako na kumuha ng Standard Poodle puppy, binisita ko muna ng dalawang beses ang tuta para makilala ko siya ng lubos bago ko siya kinuha. Doon ko nakita kung compatible ako sa tutang napili ko.

Alalahanin, mga PETmalu, “Pets may not be our whole life, but they do make our lives whole.”
PAWssionately yours,
Joyce