Dear Sir:
Nagbigay na ng hudyat ang Armed Forces of the Philippines na maaari ng bumalik sa kanilang mga tahanan ang ibang bakwit. Ngunit tanging mga nasa paligid lamang ng lawa ng Lanao at labas ng Marawi City ang mga awtorisadong bumalik.
Ang desisyong ito ng AFP ay para sa ating mga kababayan rin, sana sundin na lamang nila upang iwas disgrasya. Maintindihan sana nila na hindi ganon kadali para sa pamahalaan na pabalikin sila kahit sinabing cleared na ito sa mga terorista.
Una, nariyan pa rin ang mga bombang hindi sumabog na maaring pumutok anumang oras, mga labi at agnas na mga katawan napatay na posibleng may mga baktirya na maaring magdulot ng masama sa kalusugan.
Sana isaalang-alang muna nila ang mga ito at intindihin pa rin ang sitwasyon na hindi lang ito kagustuhan ng AFP, para rin ito sa kanilang kapakanan.
Owen Daez
Nueva Ecija
***
Dear Sir:
Kinakailangan sa mga panahong ito ay lalong maging mapagmatyag di lamang ang mga awtoridad kundi maging tayo bilang mamamayan.
Nakakabahala ang mga lumalabas na balitang mayroon umanong posibilidad na bumuo ng alyansang komunista at muslim extremist. Kung sakaling mangyari ito ay ano na lamang ang mangyayari sa ating bansa?
Nakakatakot isipin na maaaring matulad sa Marawi ang buong Pilipinas kapag nangyari ito.
Sana’y mas maging bukas ang ating kaisipan na ang mga terorista at rebelde ay pareho lamang. Kailangan natin magkaisa upang masugpo sila at hindi na makapaghasik ng lagim gaya ng patuloy nilang isinasagawa sa iba pang lugar.
Kung mayroong kahina-hinalang mga tao sa inyong paligid ay ipagbigay alam kaagad sa mga awtoridad.
Jersan Arguilles
Mindoro