Tampok na diskusyon ang ika-10 taong selebrasyon ng Le Tour de Filipinas sa sesyon ngayong Martes ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum sa Amelie Hotel-Manila sa Jorce Bocobo, Malate.
Mangunguna si LTdF chairman Donna May Lina sa dagsang mga panauhing kabibilangan din ng coaches, team captains at ilang best riders ng kalahok na team sa taunang bikathon na papadyak sa linggong ito.
Kakatawanin ni defending champion El Joshua Carino at Reinhardt Gorantes ang national team, darating sina Marcelo Felipe at Ric Rodriguez ng 7-Eleven Air21 Cliqq Roadbike Philippines, padala ng Go For Gold sina Ednalyn Hualda, Daniel Ven Carino, at Ismael Gorospe, habang sina veterans Eusebio Quinones at Marc Galedo ang mangunguna sa Celeste Cycle.
Imbitado rin ang mga miyebro ng Cignal-Ateneo na unang sumikwat ng 9th PBA D-League 2019 finals slot sa 10:00 a.m. public sports program na mga prisintado ng San Miguel Corp., Braska Restaurant, Amelie Hotel, at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR).
Inaanyayahan ang mga kasapi ng PSA na dumalo sa lingguhang talakayan. (JAT)