Mga laro ngayon (Perpetual Help Gym) 
2:00 p.m. — Perpe­tual Help vs. San Beda (jrs) 
4:00 p.m. — Perpe­tual Help vs. San Beda (srs)

Makikilatis ang ba­ngis ng defending champion San Beda College pagharap nila sa paumen­tong Perpetual Help sa 93rd NCAA basketball tournament.

Dadayo ang Red ­Lions sa Perpetual Help gym sa Las Piñas bilang bahagi ng NCAA On Tour na isinasagawa tuwing Huwebes upang subukang lapain ang Altas.

Nasa pangalawang­ puwesto ng team stan­dings ang San Beda ­tangan ang 6-1 karta, sasandalan ang momentum ng five-game winning streak para makuha ang panalo at makadikit sa ­Lyceum of the Philippines na mag-isa sa tuktok kapit ang 7-0 card.

Inaasahang mapapahirapan ang Red Lions dahil bukod sa homecourt ay kagagaling lang sa pananalbos ang Perpetual Help noong Martes.

Kumayod si Prince Eze ng 23 points at 21 rebounds para giyahan ang Altas sa 68-59 panalo kontra last year’s runner-up Arellano University.

Nais din bawian ng Altas ang Red Lions na nagpatalsik sa kanila sa semifinals ng Season 92.

Isang hakbang na lang at sasampa na sa ­Finals ang Perpetual Help pero nabigo sila sa deciding game, 63-78.

“It was still painful and we hope we could beat them (San Beda) this time,” saad ni Perpetual Help coach Jimwell Gican.

Kasalo sa three-way tie sa fifth ang Perpetual Help hawak ang 3-4 karta.