Lions naghahanda sa Pirates

Agawan sa rebound sina Javee Mocon at Donald Tankoua ng San Beda Red Lions at 6’11” Nigerian Prince Eze ng Perpetual Help Altas sa aksyon kahapon sa NCAA Season 93 seniors basketball tournament sa Perpetual Help gym sa Las Piñas. Panalo ang San Beda 57-53. (Dennis Abrina/UPH)

Mga laro ngayon (FilOil Flying V Center)
12 noon — Perpetual vs. San Beda (jrs)
2:00 p.m. — Perpetual vs. San Beda (srs)
4:00 p.m. — CSB vs. JRU (srs)
6:00 p.m. — CSB vs. JRU (jrs)

Patitibayin ng Jose Ri­zal­ University ang kapit sa No. 3, kukuha ng momentum ang defending champion San Beda College sa 93rd NCAA basketball sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.

Haharapin ng Heavy Bombers (8-6) ang lugmok ng College of Saint Benilde sa second game.

Krusyal na ang bawat laro para sa Kalentong-based squad dahil posible silang abutan ng Letran na nasa pang-apat sa 8-7, at No. 5 San Sebastian (7-7).

Entra na sa semifinals ang defending champions Red Lions kasama ang twice-to-beat bonus pero kailangan nilang manalo laban sa Perpetual Help pambuwelo sa pinanggigigilang Lyceum.

Pirates ang tanging dumungis sa record ng San Beda (13-1) sa first round, bago sila magtagpo mapapalaban muna ang Mendiola-based squad sa EAC (Oct. 6) at Letran (Oct. 13).

“We cannot underestimate Perpetual. We nearly lost that game against them in their home court (in the first round),” ani Lions coach Boyet Fernandez.

“And then looking at EAC, they’re still in the thick of the fight for the semis, as well as Letran, they need to win in order to make it to the top four.

So for us, it’s all bearing game for us. All we have to do is win those games and be ready for LPU.”