Mga laro ngayon (The Arena, San Juan)
12:00 noon — JRU vs. St. Benilde (srs)
2:00 p.m. — EAC vs. Lyceum (srs)
4:00 p.m. — Letran vs. San Sebastian (srs)
Nagsanib puwersa sina playmaker CJ Isit at center Joseph Eriobu at pinaamo ng Mapua Cardinals sa overtime ang mabangis na San Beda Red Lions, 101-97, kahapon sa Season 92 ng NCAA seniors basketball tournament sa The Arena sa San Juan.
Pumutok ng career-high 26 points si Eriobu, kumana si Isit ng 15 points, five rebounds at four steals tungo sa 8-5 karta ng Mapua na nagpalakas sa kapit sa fourth spot.
Walong puntos ang tinikada ni Fil-Canadian Isit sa OT, tumulong si reigning Rookie-MVP Allwell Oraeme sa depensa para ipalasap sa Red Lions ang pangatlong talo sa 14 na laro.
Sa fourth quarter naman bumida si Eriobu para tulungan ang Mapua na humabol mula sa 10 puntos na pagkakalubog.
Tumapos si Jayvee Mocon ng 19 puntos para sa San Beda na hawak pa rin ang liderato.
Sa isa pang game, pinigil ng Perpetual ang harurot ng Arellano, 76-62, at sinamahan ng Altas ang biktima sa second spot sa 10-3.
Bukod sa opensa nina Gab Dagangon, Bright Akhuetie, Daryl Singontiko at Kieth Pido, humugot ng puwersa ang Altas sa kanilang pamatay na depensa.
“Defense was really our strength,” ani Perpetual coach Jimwell Gican.
Tumikada si Dagangon ng 22 puntos, may 15 si Nigerian Akhuetie at may 13 at 10 sina Singontiko at Pido.
“He’s hands down the best player in this game, he really raised his game to help win,” ani Gican kay Dagangon.
Bumira si Kent Salado ng 22 markers, nag-ambag ng 19 si Jio Jalalon sa Chiefs.