IPAKIKITA ni Ving (Awra) ang kanyang katatagan sa pagtupad ng kanyang pangarap na maging superhero sa Wansapanataym Presents: Amazing Ving sa Linggo (August 13), pagkatapos ng Little Big Shots sa ABS-CBN.

Ipinagkaloob na ni Super Bing (Ellen Adarna) kay Ving ang mahiwagang bato matapos itong matalo sa pakikipaglaban kay Reptilya (Bianca Manalo) kasama si Maskarada/Soffy (Carmi Martin), ang ina ni Ving na pinasusunod ng halimaw gamit ang hipnotismo.

Kahit nasa kanya na ang bato, sawi pa rin si Ving na makapagpalit-anyo bilang taga­pagligtas, kaya patuloy na maghahasik ng lagim si Reptilya at mga kampon nito.

Ano ang kahahantu­ngan ni Soffy sa kamay ni Reptilya? Malaman kaya ni Ving na buhay pa ang kanyang ina?

Ito na ba ang takdang panahon para maging ganap siyang superhero?

Huwag palampasin ang kuwento ng katapangan at pag-ibig sa Wansapanataym Presents: Ama­zing Ving, tuwing Linggo pagkatapos ng Little Big Shots sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167). Para sa past episodes ng programa, pumunta lamang sa iWant TV o sa skyondemand.com.ph para sa Sky subscribers.