Listahan ng mga gambling operator hawak ni Gamboa

Hinahanting nga­yon ng Philippine National Police (PNP) ang mga operator ng mga big time illegal gambling sa bansa ayon kay Gen. Archie Francisco Gamboa.

Ayon sa PNP chief, mayroon na umano siyang listahan ng mga illegal gambling ope­rator galing umano sa mga regional director.

“Yes in the next few months heads will roll if you don’t follow my instructions,” babala ni Gamboa sa mga hepe ng pulisya sa mga lugar na nasasakupan ng mga iligal na pasugalan matapos ang ginawang press briefing sa Camp Crame kahapon.

Utos ni Gamboa, maging agresibo sa pag­huli sa mga iligal na pasugalan. Aniya sa mga regional director, “If you don’t do aggressive operations and you don’t start relieving your chiefs of police then I will not be convinced.”

Naniniwala din ang hepe ng pulisya na mayroong mga pulis na nagbibigay ng proteksyon sa mga ope­rator ng iligal na sugalan dahil hindi naman umano makakapag-ope­rate ang mga ito kung hinuhuli ng mga pulis.

Babala pa ni Gamboa sa mga protektor ng pasugalan, “Huminto na kayo. Otherwise you will face the full force of the law.” (Edwin Balasa)