NANGUNA agad sa nationwide ratings ang pagsisimula ng Little Big Shots noong weekend sa ABS-CBN.

Ayon sa datos ng Kantar Media, nakakuha ng national TV rating na 36% ang naturang programa noong Sabado (Agosto 10) sa mga urban at rural na kabahayan sa bansa kumpa­ra sa kalabang Pepito Manaloto na nagtala lang ng 20.7%.

Tinutukan din ang programang pinangungunahan ni Billy Crawford noong Linggo (Agosto 13) kung kailan nagkamit ito ng rating na 36.9%, laban sa Hay, Bahay! na mayroon lang 14.9%.

Lutang na lutang ang saya sa pakikipagkulitan ni Billy sa mga bata kaya marami ang pumuri sa pagho-host niya.

Kabilang sa mga nagpakitang-gilas last weekend ang anim na taong gulang si Kent, na may six-pack abs.