Nagkakaisang nangako ang daan-daang mga livestock raisers sa Bulacan na isasaayos ang kanilang operasyon sa paghahayupan sa ginanap na orientation meeting sa Balagtas Hall ng Bulacan Convention Center sa Malolos City, Bulacan kamakalawa.
Alinsunod ito sa direktiba ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Gina Lopez kung saan sama-samang sinuri ng mga livestock raisers ang kanilang pagtalima sa mga batas na naaayon sa proteksyon ng kapaligiran at kalusugan ng komunidad.
Binigyan din sila ng maikling oryentasyon ng ilang opisyal ng Environment Management Bureau sa Region 3 at pamahalaang panlalawigan ng Bulacan ukol sa tama at malinis na paraan ng livestock production upang maiwasan ang negatibong epekto nito sa kapaligiran.