NASA script ng pelikulang Moonlight Over Baler ang kantang O Maliwanag Na Buwan.

Ayon sa scriptwriter na si Eric Ramos, angkop na angkop ang awit sa sitwasyon ng pangunahing tauhan na si Fidela (Elizabeth Oropesa/Sophie Albert).

Ang nasabing kanta ay Tagalog version ng Ilocano folk song na O Naraniag O Bulan.

Ilocano ang producer ng Moonlight Over Ba­ler na si Rex Tiri.

Sabi ni Sir Rex, “Lahat ng Ilocano, alam ang kantang ‘yon. Sinasayaw sa mga fiesta.

“Hindi pwedeng mawala ang O Maliwanag Na Buwan sa mga importanteng okasyon sa Ilocos.

“Mula bata hanggang matanda, kabisado ito. Malawak ang appeal ng song.”

Ang Moonlight Over Baler ay graded B ng Cinema Evaluation Board.

Dinirek ito ni Gil Portes.

Kasama rin sa cast nito sina Ellen Adarna, Vin Abrenica, at marami pang iba.