LIZA & AIZA, NAMANGHA SA TAHONG

Aiza at Liza
Liza Dino
Liza Dino

WEHHHHH: Pagkatapos niyang mag-a-attend ng film festivals dito man o sa labas ng bansa, masaya ako’t nakakapagbakasyon ang Film Deve­lopment Council Chair na si Liza Diño.

Nakakatuwa ang post ng asawa niyang si Aiza Seguerra, “Liza, manghang-mangha sa tahong. Pareho pala tayo.”

May sariling post si Liza na may caption na, “Ang mga tahong ni Liza.

#capizgreenshellharvest #tahongextravaganza”

Mukhang happy and busy tahong si Liza these coming days.

Hinihintay na ang final line up ng official entries ng kanyang Pista Ng Pelikulang Pilipino na gaganapin sa Agosto, at kasama rin natin siya sa EXECOM ng taunang Metro Manila Film Festival na ang script submissions ay sa June 15 ang deadline.

Sana, katulad ng pag­huli ng tahong, masagana at magaganda ang ani ng pelikulang Pilipino sa mga festival na nabanggit.

***

HAVEY: Ngayong gabi ang major presscon ng bagong palabas ng ABS-CBN na La Luna Sangre.

Bongga ang casting nito dahil maliban sa mismong bida sa bagong hene­rasyon na sina Da­niel Padilla & Kathryn Bernardo, may special participation sina John Lloyd Cruz at si Angel Locsin.

Kasama rin bilang hari ng mga bampira ang bagong Kapamilya na si Richard Gutierrez.
Nasa cast din sina Joross Gamboa (na nag­lalagare ng dalawang pelikula, Buy Bust at Deadma Walking), Gelli de Belen, Ina Raymundo, Bryan Santos, Victor Neri at Randy Santiago.

Ang La Luna Sangre ay magsisimulang umere sa June 19 sa timeslot ng My Dear Heart.

Magandang abangan kung ano ang magiging epekto ng back-to-back airing nito pagkatapos ng Ang Probinsyano at bago ng A Love To Last.

***

WALEY: Just heard the sad news that Bobong Velez passed away. He was the mind behind the great PBA broadcasts of the late 1980’s and early 1990’s.

Bobong Velezwas in charge of the careers of people like Bill Velasco and TJ Manotoc and gave them breaks (along with the late Ronnie Nathanielz at Boss Vic del Rosario ) at Viva Vintage.

Vintage changed the game literally and made the PBA a big part of our lives growing up.
Rest In Peace, Sir Bobong!

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.