Hanggang pangarap na lang para sa mga fan ang paglipad ni Liza Soberano bilang si Darna.

Hindi nito kakayaning gampanan ang role dahil napilayan ito habang nagti-taping­ sa dating teleseryeng “Bagani.”

Naglabas na nga ng official statement ang ABS-CBN at Star Cinema kahapon, April 4, kaugnay sa pagtanggap nito sa pag-atras ni Liza sa iconic Pinoy hero role.

“I’ve been undergoing therapy. I had surgery twice na po. We’ve been trying to fix it, but lately, these past few weeks, we’ve decided na maybe it’s best if I don’t push through with it, because baka maging hindrance lang po siya for me to be able to do the stunts properly,” ani Liza.

Gayunpaman, tuloy pa rin ang Darna film ayon sa ABS-CBN at Star Cinema.
Sa katunayan ay patuloy ang selection­ process para sa papalit kay Liza. Humingi naman­ siya ng pang-unawa sa kanyang mga fan.

“I just want to say sorry to them that I let them down,” sey na lang ni Liza na halatang dismayado sa sitwasyon niya.

Ang aabangan na lang natin ngayon ay kung sino na ang susunod na susubo ng bato at sisigaw ng… ‘Darna!’ (Jun Lopez)