USAP-USAPAN kamakalawa ang announcement na si Liza Soberano na ang gaganap na Darna sa malaking project na ito ng Star Cinema.
Niregaluhan ni Angel Locsin si Liza ng mga Darna Komiks bilang suporta sa malaking break at challenge sa kanyang career.
Sabi ni Liza, “Di pa po kami uli nagkikita. Pero pag nakita ko po siya, I will thank her po for the opportunity and these Darna komiks.”
Post ng manager niyang si Ogie Diaz sa Facebook, “Nakakalokah! After the announcement, biglang umikot ang tiyan ni Liza, hahahah!”
Sey ng bagong Darna, “Sa excitement at sa pressure po siguro.”
Hanash ni Ogie, “Ako naman that time, siguro, dahil na rin sa excitement at sa pressure… kaya natatae ako.”
***

Ang kasunod na pinag-usapan ay kung sino ang gaganap na Valentina.
Ang unang pinag-uusapang mag-Valentina ay si Anne Curtis pero wala pang nagkukumpirma mula sa kampo ng aktres at host ng It’s Showtime.
Kasali rin daw si Iza Calzado pero ayaw pang sabihin kung anong role ang gagampanan dahil hindi pa puwede.
Hanggang pa-congrats congrats muna sila sa Instagram, dahil magkakaroon daw ng formal announcement.
May nagkuwento lang sa amin na meron daw isasaling kilalang magaling din na aktres, pero duda kami dahil may nagkuwento rin sa aming hindi pa ito ganu’n kaokay.
Hindi lang knows kung may pinagdaanan pa rin at kung ano ang status niya.
May ibang guestings nito na hindi natutuloy dahil hindi pa raw ganun kaokay si aktres at baka mapahamak lang ang show na lalabasan nito.
Hindi namin alam kung okay na ito ngayon dahil maraming tumutulong sa kanya para makabalik uli.
Bakit anong problema ni Maricel para sa Darna