Idiniin ng talent manager na si Ogie Diaz na hindi prostitute ang role ni Liza Soberano. Ito’y sa bago niyang serye na “Make It With You” with Enrique Gil.
May duda na prosti umano ang papel ni Liza sa Croatia. May sumisita pa kay Papa O kung bakit daw pumayag ito na gawin ng alaga ang ganoong klaseng role.
Sey ni Ogie na ayaw niya lang i-reveal kung ano ang karakter ni Liza dahil bawal pa sabihin. Pero nagkakamali raw ang mga netizen sa iniisip nilang role ng dalaga.
RitKen maglalayag na
Simula ngayong Lunes, maglalayag na ang first primetime series nina Ken Chan at Rita Daniela na “One of the Baes”.
Ang pagiging kapitan ng isang barko ay hindi lang para sa kalalakihan, kaya rin itong gawin ng mga kababaihan! Dito iikot ang kuwento ng nasabing latest rom-com series na itinuturing na isang “millennial fairytale”.
Handang gawin ni Jowalyn (Rita) ang lahat upang matupad ang pangarap niyang maging isang kapitan ng barko. Pati na ang love life ay handa niyang isakripisyo sa pag-abot nito.
Ang hopeless romantic naman na si Grant (Ken) ay naniniwalang makikilala na niyang muli ang kanyang childhood sweetheart sa tulong na rin ng kanyang pagba-vlog.
Ano kaya ang mangyayari kapag nagtagpo ang isang Jowalyn na walang ibang inisip kundi ang katuparan ng kanyang pangarap at ang isang Grant na ang tanging hangad ay makahanap ng tunay na pag-ibig?
Tampok din sina Roderick Paulate, Amy Austria, Tonton Gutierrez, Melanie Marquez at Jestoni Alarcon. Kasama rin sa pagpapasaya sina Maureen Larrazabal, Edgar Allan Guzman, Rodjun Cruz, Joyce Ching, Archie Alemania, Buboy Villar, Kenneth Medrano at James Teng.
Mapapanood din dito ang real-life maritime students ng Maritime Academy of Asia and the Pacific (MAAP).
Lovi labandera sa Tate
Natuto si Lovi Poe na magluto, maglaba at mag-grocery nang magbakasyon sa Amerika. Limang buwan siyang nag-stay roon.
Nag-enjoy naman siya sa pagiging independent niya.
“Ang sarap, it was good,” lahad niya.
Natutunan din niya na ma-appreciate kung anong meron siya sa kanyang pag-iisa.
Na-miss daw ni Lovi ang trabaho niya sa ‘Pinas dahil para siyang pinutulan ng routine. Bigla raw na wala siyang ginagawa habang nasa abroad.
Anyway, guest si Lovi sa seryeng “Beautiful Justice” na pinagbibidahan nina Yasmien Kurdi, Gabbi Garcia at Bea Binene.