Liza Diño apektado sa hinaing ng direktor

Nakikisimpatiya si FDCP Chair Liza Diño Seguerra sa obserbasyon at hinaing ng independent film producer at director na si Erik Matti dahil sa kasalukuyang estado ng Pinoy cinema.

Ayon kasi kay Matti, alarming ang nangyayari na simula pa noong Enero na magbukas ang taon, wala pang pelikulang Pinoy na kumita sa takilya.

Semplang daw sa takilya ang mga pelikula kasama na ang iprinudyus niyang ‘Tol”.

Nakakalungkot din daw isipin na minsan animo’y isang ghost town ang mga sinehan dahil wala nang crowd na nanonood ng mga pelikula
Hirit pa ng director, dapat daw ay may gawin para mai-address ang problemang itong kinakaharap ng industriya.

Hiningan naman ng pahayag ni Liza tungkol dito at ito ang kanyang naging paliwanag.

“Iyong decline ng cinema is a global trend. Hindi lang siya sa Pilipinas nangyayari, even sa US and in other parts of the world.
Pinagdadaanan natin ito, because of the new platforms people consume their films. Online na. Iba na talaga iyong mga ways ng mga tao,” aniya.

“Netflix and Amazon has been creating disruption in terms of the landscape. Disruption in the sense that it’s changing the ways people are consuming films,” dugtong niya.

Hirit pa nga niya, inihahanda na raw mga filmmaker sa mga ganitong pagbabago.

“Ang ginagawa ng FDCP in supporting­ our filmmakers, we are opening them up to the idea or the concept that films that they don’t have to look sa cinemas only kung gagawa sila ng pelikula.Content is content regarding kung saang platforms. What we have been doing for the past two years creating these avenues for them. Nagtataka kayo dahil salita ako nang salita about global about international markets, but that’s really what’s happening all around world that why people are looking beyond the Philippines, beyond their countries na domestically hindi lang talaga dito tayo dapat tumingin kung paano mai-exploit ang mga pelikula natin. In terms of our audience, I think what we need to do is work together as holistic stakeholders, NCAP, producers, FDCP talking on how to come up with a collective solution lowering prices, creating a promo, creating event-driven activities so that we can drive evey one to the cinemas, how we can improve the quality of our films para at least maging comparable sila with our competitors,” paliwanag niya.