“Ayun, in-love na in-love pa rin po kami sa isa’t isa,” ang nakakakilig na sagot ni Liza Soberano nang tanungin sila ni Ogie Diaz sa vlog interview kung kumusta na ang relationship nila ni Enrique Gil.
Ang tamis naman ng ngiti ni Quen nang sabihin ito ni Liza. Komento nga ng mga netizens, nakakatuwa raw na talagang wala nang itinatago ang LizQuen pagdating sa kanilang relasyon.
Anyway, naghahanda na ang magka-love team sa bagong serye nila sa ABS-CBN na ayon sa dalawa ay ibang-iba kaysa sa mga naunang proyekto nila.
Habang hindi pa sila napapanood sa TV ay abala raw sila sa iba’t ibang bagay. Like si Quen, busy rin siya sa negosyo niya at si Liza naman ay sa pag-aaral dahil nag-enroll nga siya ulit sa kursong Psychology.
Busy rin sila sa paghahanda para sa nalalapit na ABS-CBN Ball na siyempre ay sila ang magkapareha.
Bagama’t wala pang sinabing date ang LizQuen kung kailan mapapanood ang kanilang serye, sey nila ay malapit na raw ito at mensahe nila sa mga fan na matagal nang naghihintay ay huwag daw malungkot or ma-disappoint dahil lalabas na raw sila soon.
Jon nahirapan nang mawalan ng trabaho
Masayang-masaya ngayon si Jon Lucas dahil gumaganda na ulit ang kanyang showbiz career. Medyo matagal-tagal din kasi siyang walang regular na trabaho buhat nang matanggal siya sa Hashtags at mawala rin sa “It’s Showtime”.
Ngayon ay nasa GMA-7 na siya’t may bagong teleserye, ang “Descendants of the Sun”. Bukod dito ay may bago rin siyang pelikula, ang “Marineros: Men in the Middle of the Sea”. Bago na rin ang management niya. From Star Magic, ngayon ay nasa pangangalaga na siya nina Becky and Katrina Aguila.
Kamakailan lang ay pumirma siya ng kontrata sa GMA network at sa GMA Artist Centre. At sobrang saya niya dahil kalilipat pa lang niya ay pinagkatiwalaan na siya agad ng isang napakalaking serye.
“Sobrang saya ko dahil may naniniwala pa pala sa puwede kong iambag sa kanila at sa kakayahan ko po bilang aktor. Kaya grateful and blessed talaga ako na tinanggap ako ng GMA sa lowest point of my life,” pahayag ni Jon nang makausap namin sa presscon ng Marineros.
Aminado siyang napakahirap para sa kanya nang time na wala siyang work dahil nga pamilyado siyang tao’t may anak na sila ng misis na si Shy Feras.
“Kumakapit na lang ako lagi sa magagawa ng Diyos sa buhay namin. Pero ‘yun nga, lagi akong napapaisip kung ano pa ang susunod, paano babayaran ang bill ko…” sey niya.
Maayos naman daw ang naging transition niya from ABS-CBN to GMA-7 pati na rin sa paglipat ng management. Kaya ngayon, looking forward siya sa lahat ng magagandang bagay na dumadating at dadating pa.
Sa Marineros ay ginagampanan ni Jon ang papel na fresh marine graduate pero maagang nabuntis ang girlfriend. Ang nasabing pelikula ay passion project ni direk Anthony Hernandez na tumatalakay sa buhay ng mga seaman.
Showing na ang “Marineros” sa Sept. 20 at kasama rin sa pelikula si Michael de Mesa as the lead actor, Ahron Villena and Valerie Concepcion.
Attachments area