Liza inatake ng depresyon

NI: ROLDAN CASTRO

Aminado si Liza Soberano na nakakaramdam siya ng anxiety attacks sa gitna ng pandemya.

Bunga na rin ito ng pagkaka-lockdown sa bahay. Hindi na rin yung daily beses niyang ginagawa na maraming nakakasalamuha at nakakatrabaho.

Nandoon din daw ‘yung feeling na tila nawawalan ng pag-asa. Ito’y dahil sa mga hindi kanais-nais na nangyayari sa mundo na wala ka namang magawang solusyon.

Nakaapekto rin sa kanya ang isyu sa franchise ng ABS-CBN 2.

Sinesentro na lang niya ang kanyang atensyon sa pagbabasa ng libro, pagluluto at pakikipag-tsikahan sa mga kaibigan sa online para maaliw.

Kailangan daw ay maging abala siya para mawala ang kanyang depresyon at pagkaburyong.