Liza, iniwan nang MILYA-MILYA si Julia Barretto

Liza Soberano at Enrique Gil

SOBRANG cute ng ­pinost ni Liza ­Soberano na wacky pic nila ni Enrique Gil na kuha sa katatapos na Star Magic Ball.

Kahit naka-wacky face with matching duling eyes ay gandara pa rin si Liza, kaya maging si Gretchen Barretto ay napa-comment ng, “TRULY BEAUTIFUL.”

Noon pa puring-puri ni Greta ang beauty ni Liza, na naging issue dati sa fans ng pamangkin ni Gretchen na si Julia Barretto.

Mukhang wala namang keber si Greta, lalo pa’t hindi pa rin sila okey ng kapatid na si Marjorie­ Barretto at maging sa mga pamangkin niyang ka-close niya noon ay mukhang wala na rin ­siyang contact.

Walang puwedeng kumuwestiyon sa comment ni Gretchen dahil tila si Liza ang most beautiful Kapamilya star at the moment.

Si Liza ang nagwa­ging Best Dressed Female sa Star Magic Ball nu’ng Sabado, habang ang pamangkin ni Greta na si Julia ay pasok sa mga listahan ng Worst Dressed nu’ng gabing ‘yon.

Julia Barreto
Julia Barreto

Nauna sa showbiz si Julia at nauna ring ini-launch ng ABS-CBN, pero hanggang ngayon ay aandap-andap ang career nito na tila walang direksyon.

Iniwanan na siya nang milya-milya ng gandarabels na si Liza sa lahat ng aspeto ng showbiz career nila.

Maging sa pagandahan ay hindi uubra si Julia sa hindi maawat ang paghalimuyak at pamumukadkad na si Liza!