Liza, Jane nag-dinner date

Natupad na ang dinner date nina Liza Soberano at ng bagong Darna na si Jane de Leon.

Ani Jane sa shooting mg ABS-CBN Christmas Station ID 2019, “Na-meet ko na si Liza. We had dinner already.”

Hindi naman ikinuwento ni Jane kung ano ang naging usapan nila ni Liza na dapat sanang gaganap sa “Darna”. Matatandaan na nag-back out ang aktres sa role dahil sa kanyang finger injury.

Ngayong natupad na maka-bonding niya si Liza sa personal, si Angel Locsin naman ang nais niyang makita. Isama na rin siyempre si Marian Rivera na gumanap na rin sa iconic role.

Sa ngayon ay nakakaramdam na si Jane ng pressure kaya’t patuloy ang kanyang pagdarasal. Nakatuon rin siya sa training para mahusay na magampanan ang role.

Inaasahan na mapapanood ang pelikula sa susunod na taon sa direksyon ni Jerrold Tarog. (Rona Ronda)