Liza, Janine & Janella, kabog kay Nadine sa Nickelodeon Awards

Nadine Lustre

NA-SLIME si Nadine Lustre dahil siya ang nagwaging Favorite Pinoy Star sa 2017 Nickelodeon Kids’ Choice Awards.

Tinalo ni Nadine sina Liza Soberano, Janella Salvador at Janine Gutierrez sa pa-contest na ang botohan ay nagsimula nu’ng February 3 hanggang March 6.

Sa kanyang thank you video kung saan hawak ni Nadz ang Orange Blimp na bigay ng Nickelodeon, ang sabi niya ay, “You’re all amazing, I love you!”

Tuwang-tuwa ang 23-anyos na Kapamilya actress nang buhusan siya ng green goo.

“That’s not everything!” tili niya, tapos ay kinuha niya ‘yung natirang goo at ibinuhos niya lahat sa ulo niya.

Sa napanood naming BTS ay napadayalog ang girlfie ni James Reid ng, “Oh my God, it’s warm! I love it!” pagkabuhos sa kanya ng berdeng likido.

Kahapon ay may tweet si Nadine na, “This Orange Blimp is for all of you! Congratulations to us!”

Last year ay si Maine Mendoza ang nanalo bilang Favorite Pinoy Personality, na kinabog nito ang mga kalaban na pawang Kapamilya stars.

Base sa tweets kahapon ay napansin na­ming karamihan sa AlDub Nation ay pabor sa pana­nalo ni Nadine sa KCA.

Nag-congratulate sila kay Nadz at natuwa sila para sa dalaga.

Tila nagiging yearly tradition na itong popu­larity contest na ito ng Nickelodeon kung saan nagkakasukatan ng lakas ang iba’t ibang fandoms sa pagsuporta sa idolo nilang nominado.

Pasipagan sa pagboto ang labanan.

At para sa mga LOTLOT, better luck next time!