Dati, ang mga entertainment talk show, kapag ganitong panahon, sangrekwa ang manghuhula, psychics, isama na rin natin pati ang mga astrologer, may prediksyon para sa estado ng ating bansa pati na rin ang tungkol sa mga artista ang pangmalaksang paksa.

‘Yung ibang hula, nagkakatotoo nga ba o nagkakataon lang? Karamihan parang hindi kapani-paniwala pero sige pa rin tayo sa panonood at pakikinig kasi nga nakakatawa, kamangha-mangha at ‘yung iba pa nga, parang mga babalang ang hatid ay takot at sindak.

Hindi na kailangan ang crystal ball ni Madam Bola at ang kanyang pamosong ba-be-bi-bo-bu para malaman na sa 2020, ang mga love team, dapat na itong itumba.

Matapos ang phenomenal success ni Kathryn Bernardo na kasama si Alden Richards sa “Hello, Love, Goodbye,” ang relatively young Kapamilya queen, pwedeng-pwedeng mag-solo starrer na and try to pick more challenging nd daring roles without Daniel Padilla. ‘Pag iba kasi ang ka-sparring ni Bernardo sa pelikula, nakikita at nararamdaman ang husay niya bilang aktres.

Kahit may “Make It With You” pa sila ni Enrique Gil, panahon na rin para si Liza Soberano, ang pinaka-magandang artistang babae sa kasalukuyan, na tumayo sa sarili niyang paa at lumayo-layo kay Gil. Kung laging ang dyowa niya ang kanyang kasama, ano pang growth ang magagawa niya bilang aktres? Lalo na kung alam na alam na niya what buttons to push and what strings to pull and tie lalo na nga’t hindi naman hebigat as an actor itong si Gil. Kitang-kita naman sa teaser para sa kanilang bagong drama na ang binata, is playing the cutesy and magandang lalaki naman ako cards kaya hindi ko na kailangan pang galingan sa pag-arte.

Si Nadine Lustre, nakita naman nating sa partnership nila ni James Reid, siya ang mas angat at mas may brillo sa acting department. Reid is forever saddled by his Australian accent and his good looks get in the way para makumbinsi ka na this virile man has the acing chops. Ayaw sana namin siyang i-judge na tapos sa Excellente Ham Finishing School pero you just cannot help but judge him. Mas gusto natin siyang nakahubad, pinapakita ang maputi at semi-bulbulin niyang kili-kili at gusto natin siya na mapanood sa semi-porn na mga pelikula kesa manalig na pwede siyang maging best actor.

Si Lustre, alam na alam nating aktres, may angas, may hugot, may lalim and it helps na she is not so plain Jane looking naman pero Filipina brown beauty, petite and all, super relatable ang dalaga.

Kaya nga kung si Kathryn, Liza at Nadine ay seryoso sa kanilang quest na maging millennial movie queens, tama na ang panahon for them to ditch and say good riddance to Daniel Padilla, Enrique Gil and James Reid. Sobra na, tama na, palitan ang human comfort blankets and zones niyo.