Liza, nag-freak out kay Selena

Selena Gomez at Liza Soberano

WAGI si Liza Soberano dahil may picture siya kasama si Selena Gomez na nag-concert sa MOA Arena last Sunday night.

Ewan kung sinong malakas na konek ni Liza at nagawa niyang makapagpa-photo sa 24-anyos na American pop star bago nagsimula ang Revival Tour nito nu’ng gabing ‘yon.

“Guess who’s freaking out,” ang sabi ni Liza nang i-tweet niya ang pic nila ni Selena.

“I’m in love with Selena Gomez. She’s such a beautiful person inside and out. It makes me so happy when I idolize the right person,” ang caption ng 18-an­yos na Kapamilya star sa the same pic nang i-post niya ito sa Instagram.

Maraming celebrities na nanood ng concert ni Selena, pero si Liza lang ang masu­werteng may close encounter sa sikat na singer-actress.

Si Enrique Gil ay nanood din pero huma­bol lang ito at hindi sila sabay dumating ni Liza kaya waley itong pic kasama ang star of the night.

Nag-watch din si Maine Mendoza, na nakita namin sa Snapchat na sobrang enjoy sa show at feel na feel maki-singalong sa hit songs ni Selena.

Maine Mendoza
Maine Mendoza

“You have always been and will always be an ins­piration to me, Selena Gomez. You are amazing in so many ways. Love you tons,” tweet ni Meng, na mga kaibigan at bunsong kapatid na si Dean ang kasamang nanood. Spotted din sa MOA Arena sina Richard Gutierrez & Sarah Lahbati, Vice Ganda, Angel Locsin, Kathryn Bernardo, Alex Gonzaga, Janine Gutierrez, Lovi Poe kasama ang BFF nitong si Heart Evangelista-Escudero, at iba pa.

Si Barbie Forteza na 19th birthday nu’ng araw na ‘yon ay nanood din at panay ang kanta at tili kay Selena.

Applauded ang bawat sing and dance number ng dalagang may lahing Mexicana, na matagal-tagal ding naging nobya ni Justin Bieber.

Paborito ng audience ‘yung outfit ni Selena na naka-Muay Thai shorts ito.

Nagpramis ang star ng Netflix original film na The Fundamentals of Caring na babalik siya ng ‘Pinas para mag-concert ulit.

Nagkaroon ng after party ang grupo ni Selena sa Palace Pool Club.

Nandu’n sina Raymond Gutierrez, Richard & Sarah, Vice at Angel, pero mukhang bawal lumapit sa pop singer kaya wala silang pic kasama nito.

Nakita namin sa Snapchat ni Selena na mukhang nag-enjoy ito sa Pool Club. Panay ang sayaw ng dancers nito habang nag-iinuman ang grupo.

Si Liza ay may hangover pa kahapon ng masayang concert ng idol niya.