tonite-diva-chronicles-alwin-ignacio
Pampa-good vibes sa karamihang nakabasa ang nakakatuwang social media exchanges na naganap sa pagitan nina Liza Soberano at Janine Gutierrez.

Sa true lang, ang dala­wang binibining ito, na isa ay mula sa ABS-CBN universe at yung isa naman ay galing sa GMA world, silang dalawa lang ang may tunay na karapatang magpaligsahan sa titulong millennial mighty Aphrodite o kaya makabagong Venus, ang diyosa ng kagandahan at pag-ibig.

May isang netizen kasi na tinanong si Soberano kung sino ang gusto niyang makatrabaho sa malapit na hinaharap.

Ang sagot ng Darna of the new generation, “Im really open to working with anyone. One person im obsessed with is Janine Gutierrez.”

Hindi naman sinasadyang ang tugon ni Liza, nabasa ni Janine kaya may excited reaction ang Victor Magtanggol’s Gwen, “Nooo, I’M obsessed!!! It’d be the dream to work with you” with matching heart.

O, ‘di ba? Parang may chance na magka-mutual admiration club ang dalawa and eventua­lly become friends or maybe sisters from another mother?

Positive na positive ang ganitong pangyayari na kahit pa nga they belong to warring networks eh puwedeng maging magkaibigan ang isang Kapamilya at Kapuso.

Sana rin lang, ang mga basher at hater, isama na ang mga katkatera at tsismosa, huwag negahin ang nakakatuwang exchange nina Liza at Soberano.

Knowing how they operate, tiyak kung ano-anong hindi na naman kainamang opinyon ang kanilang magiging hanash at kuda.

Ano nga kaya kung ang Universe ay mag-conspire at may film producer out there na maisip na worth the investment na pagsamahin ang dalawang pinaka-magandang ito sa isang pelikula? Ay, ‘pag nangyari iyun, ang saya-saya!

‘Sunday PinaSaya’, ‘ASAP’ nagpapagalingan

Much heralded ang ginawang paglipat ni Regine Velasquez-Alcasid sa Mother Ignacia station at bilang Kapamilya, ang unang tungtong niya sa ASAP stage ay sa show na ginawa sa Sydney.

Siyempre pa, may antisipasyon at persepsyon na dahil ang nag-iisang Asia’s Song Bird at last tunay na reyna stan­ding mula sa Kamuning network na ang ASAP rating, ang masusungkit nila, is way above the stratosphere.

Simula kasi na umere ang Sunday PinaSaya na direct competition nila, ang show na some people perceive as “waste of time” at parang “perya,” pinadapa at sila ang na­ging David sa higanteng Goliath na ASAP.

In fairness sa mga ka-Siyete, faster than a speeding bullet ang paglabas nila sa rating mula sa kanilang provider na AGB Nielsen at ang resulta nga, kahit nasa ASAP na si Ate Chona, at kahit pa nga one digit rating ang kanilang panalo, ang 6.2 nila verus ASAP’s 4.5, with all the hype employed sa pagiging Kapamilya ni Mrs. Alcasid ay hindi makakailang isang triumph. Joyful at glorious ang kanilang pakiramdam. Pero sa datos ng Kantar Media mataas sa ratings ang ASAP na may 11.4 % samantalang ang Sunday PinaSaya ay 8.6%.

Si Regine nga, binati pa ang SPS direktor, si Louie Ignacio ng congra­tulations na may kasama pang “I miss you”.

Siyempre ang magnanimous gesture na ito ni Velasquez, walang dudang may kuda at hanash na naman siyang matatanggap. Grabe is an understatement para sa a persecution, body shaming and belittling na tinatanggap ni Regine dahil sa kanyang paglipat.

Marami na ngang kapwa niya singer na alarmed and coming to her defense. May katotohanan nga kaya ang balita na sooner than soon, may cyber law suit against her bashers and haters ang isasampa ni Ate Chona?

Sa round one, panalo ang SPS. Mas exciting ngayon ang Sunday musical variety show landscape dahil nga tiyak, magpapagalingan pa lalo ang dalawang show. At ang may pinaka-panalong gains dito, siyempre pa ay ang mga manonood.