KUMPIRMADO NA!
“Tinatanggap ko na po ang role na Darna!” sabi ni Liza Soberano.
Iniulat ito ni MJ Felipe kagabi sa TV Patrol at agad in-upload sa social media accounts ng ABS-CBN.
Trending ito kagabi sa Twitter, syempre!
“Excited for Liza as Darna!” tweet ni Vice Ganda.
Noon pa usap-usapan ng showbiz insiders na si Liza Soberano ang kapalit ni Angel Locsin sa pelikulang DARNA ng Star Cinema, sa direksyon ni Erik Matti.
Usap-usapan na rin na si Anne Curtis ang gaganap na Valentina at kasama rin umano sa cast ng movie si Iza Calzado.