Umaapaw sa sweetness ang mensahe ni Liza Soberano para sa kaarawan ng kanyang boyfriend na si Enrique Gil.

Lunes ng gabi, nagpost si Soberano sa kanyang Instagram ng pagbati sa kanyang dyowa.

Panimula nito, “Happy birthday my love. Your smile never fails to make me smile.

Nag-post ng mga throwback travel pictures si Soberano , “I thought you wished you were elsewhere for your birthday, [that’s] why I’m posting a bunch of our travel photos.”

At kahit di’ magkasama dahil sa nakataas na enhanced community quarantine, “Earlier you said ‘I’m so happy, this is exactly how I want to celebrate my birthday.’”

“That made my heart flutter. You’re happiest when you’re with family. To more time with family, I love you!” giit ng aktres. (JAT)